Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Pagsusuri ng tula
Pamagat ng tula: Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
May Akda : Frank Cimatu
Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang
Frank Cimatu
Sandaang
Hakbang
Papuntang
Malakanyang
Dala ng
Nakabulang
Kartolinang
Nakapinta ng
“Pamahalaang
Swapang,
Kinawawang
Bayang
Walang
Kamuwang-
Muwang!
Naang
Biglang
Naalalang
Naiwang
Nakasalang
Ang
Sinigang
Sandaang
Hakbang
Nakikipilang
Makausisang Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ang
Iisang
Nakakalamang
Ilang
Rumaragasang
Kapulisang
Sindarang
Ang
Pulutang
Maanghang
Pinagbabatutang
Magsasakang
Nakadalang
Sundang
Nagbubulagang
Peryodistang
Walang
Itinitimbang
Ang
Kasamang
Kabalaang
Pinuntang
Sasakyang
Nagwawangwang
Nagsisigawang
“Tang
Inang…. “
Pinopompiyang
Habang
Ginigisang
Paratang
Nanghihinayang
Ang
Makatang
Walang
Natadyakang
Makapangyarihang
Sakang
Walang
Kaganang-
Ganang
Nakiangkiang
Papuntang
Alabang
Hanggang
Maabutang
Inuwiang
Sinigang
Nagmistulang
Kamanyang
Teoryang Pampanitikan: Realismo
Sukat: Malayang taludturan
Patunay:
Sandaang
Hakbang
Nakikipilang
Makausisang Manang
Nang
Bang!
Bang!
Bang!
Nakitang
Parang
Umilandang
Ang
Ilang
Kasamang
Hinahambalang
Ipinapakita ng tula ang realidad at totoong mukha ng ating lipunan at ating gobyerno.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento