Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon

Pagsusuri ng Tula 
Pamagat ng tula: Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
May akda: Pedro L. Ricarte

Mapanglaw ang mga Ilaw sa Calabarzon
Pedro L. Ricarte
May bakas pa sa tubig ng mga pinitak
Ang mga huling silahis ng nakalubog nang araw
Hindi na sana siya nag-araro pa,
Hindi rin lamang tiyak na matatamnan
Ang lupang itong ipinagbibili ng mga dayuhan,
At may makakaparti raw siyang sandaang libo.

Nasissiyahan na siya. Siya nama’y kasama lamang.
Sobra pa marahil sa kanya ang tatanggaping pera.
Balo na siya,walang anak,walang bisyo.
Sang-ilan pa ba ang kanyang buhay?
Pero dito na siya tumanda, sa lupang itong
Sinaka pa ng kanyang ama at ng mga magulang niyon.

Tumanaw siya sa gawing silangan:
Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari.
May mga bukid na nasimulan nang tambakan,
Ang patubig ng gobyerno

Wala siyang namumuwangan sa kabuhayang-bansa;
Hindi niya kayang gagapon kung bakit at papaano—
Nadarama lamang niya – ang malaking panghihinayang
Pangungulila sa pagkawala ng mga berdeng lupain
Na kaygandang pagmasdan, kay timyas bungkalin!

Teoryang Pampanitikan: Sikolohikal
Sukat: Malayang taludturan
Patunay:
Tumanaw siya sa gawing silangan:
Kaylawak ng lupaing itong pinagyayaman
Ng marami pang katulad niya
Ngunit ipinagbibili na ng mga may-ari.

Ipinapaliwanag dito ng may akda ang pagbabago ng karakter ng tauhan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ang Babae sa Pagdaralita

Sandaang Hakbang Papuntang Malakanyang