Ang Babae sa Pagdaralita
Pagsusuri ng tula
Pamagat ng tula: Ang Babae sa Pagdaralita
May Akda: Joi Barrios
Ang Babae sa Pagdaralita
Joi Barrios
Babae akong sinasakmal ng kahirapan
Kahirapan na mistulang
Ahas sa damuhan,
Maliksi ang galaw,
Nagbabadya ang nakasangang dila,
Makamandag ang kagat
Pumupulupot ang ulupong,
Itong paghihikahos sa aking katawan
At tumatakas ang lakas,
Nakatitog ang walang talukap
Na mga mata ng sawa.
Nanlilisik,
Pagkat batid na walang palya
Sa paghatid ng lason
Ang pangil ng pagdaralita.
Anong gagawin ng babae sa kanyang karukhaan?
Tumawag kaya kay Darna?
Lipad Darna, Lipad?
Kristala,Kristala, kami ay iligtas!
Zsazsa Zaturnnah,
Palayain kami, Mama!
Huwag,huwag.
Ang paglaya sa hirap,
Ay wala sa bayani ng pantasya.
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
Ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
At nag-aaruga
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
Ang ating pag-ibig
Sulong at makibaka!
Tagpasin ang ilo ng sawa !
Ang kahirapan ay maiigpawan
Kung ipaglaban na ang pagbawi
Ang pang-angking muli,
Sa yaman ng bayan
Ay ating karapatan.
Sulong,makibaka,lumaban!
Teoryang Pampanitikan: Feminismo
Sukat: Malayang taludturan
Patunay:
Nasa ating mga babae ang pakikibaka!
Kung paanong sa gabi at sa araw
Ay wala tayong humpay sa paggawa,
Kung paanong magkasabay na lumalaban
At nag-aaruga
Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga
Ang ating pag-ibig
Ipinapakita dito ang prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae at mga lalaki sa pagtamasa ng mga karapatang sosyal, ekonomiko, at politikal. Bilang isang teoryang pampanitikan, layunin nito ang maunawaan ang di pagpakapantay-pantay ng mga lalaki at mga babae.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento