Ang Babae sa Pagdaralita
Pagsusuri ng tula Pamagat ng tula: Ang Babae sa Pagdaralita May Akda: Joi Barrios Ang Babae sa Pagdaralita Joi Barrios Babae akong sinasakmal ng kahirapan Kahirapan na mistulang Ahas sa damuhan, Maliksi ang galaw, Nagbabadya ang nakasangang dila, Makamandag ang kagat Pumupulupot ang ulupong, Itong paghihikahos sa aking katawan At tumatakas ang lakas, Nakatitog ang walang talukap Na mga mata ng sawa. Nanlilisik, Pagkat batid na walang palya Sa paghatid ng lason Ang pangil ng pagdaralita. Anong gagawin ng babae sa kanyang karukhaan? Tumawag kaya kay Darna? Lipad Darna, Lipad? Kristala,Kristala, kami ay iligtas! Zsazsa Zaturnnah, Palayain kami, Mama! Huwag,huwag. Ang paglaya sa hirap, Ay wala sa bayani ng pantasya. Nasa ating mga babae ang pakikibaka! Kung paanong sa gabi at sa araw Ay wala tayong humpay sa paggawa, Kung paanong magkasabay na lumalaban At nag-aaruga Matibay ang dibdib pagkat mapagkalinga Ang...